Panelo papalitan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Posibleng hindi na magtagal bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sa panayam matapos pamunuan ang pamamahagi ng land titles sa Boracay, sinabi ng Pangulo na naghahanap na siya ng bagong tagapagsalita.

“I don’t think he (Panelo) can position himself to a spokesman. Maybe in the meantime, but I’m considering other names,” ani Duterte. “I’m scouting for… pero preferably one from media community. Sanay, eh. You would know how to respond to questions.”

Matatandaang itinalaga ni Duterte si Panelo kapalit ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos magdesisyon ang huli na kumandidato para senador sa susunod na taon.

Beth Camia