Franchise renewal ng Dos, haharangin

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Muling nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN, na mag-e-expire sa 2020.

Sa talumpati ng Pangulo mula sa Boracay Island nitong Huwebes ng gabi, muli siyang nagpahayag ng galit sa media network.

Sinabi ni Duterte na bukod sa kanya, marami pa umanong “niloko” ang ABS-CBN sa pagtanggap nito ng pera para sa campaign ads noong 2016 elections, ngunit hindi naman iniere.

“Kalakas ng loob… mukhang marami kami, sila Chiz Escudero, tanggap nang tanggap. Niloko ninyo kami, marami hindi lang ako, kaya kayo hindi ko kayo palusutin,” sabi ni Duterte.

“They offered to pay and I refused to accept it because it was returned to me… proposed to return the money was too late after the election,” ayon sa Pangulo.

-Beth Camia