Block screening, hirit ni Paolo kay Alden

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SA Wednesday, November 14, na opening day ng first movie na pinagbidahan ni Paolo Contis, ang Through Night and Day, na katambal niya si Alessandra de Rossi. First time din na nag-shooting ng pelikulang Pinoy sa Iceland, sa direksiyon ni Roni Velasco.

Paolo copy

Sa interview kay Paolo after the presscon, biniro siya ng ilang press na humirit siya ng block screening sa mga kaibigan niya sa showbiz. At naisip nga niya ang best friend niyang si Dingdong Dantes.

Puwede rin daw siguro siyang mag-request ng block screening kay Alden Richards, at pabirong nanawagan siya sa Pambansang Bae.

“Alden, dati noong hindi ka pa sikat, binigyan kita ng shoes, ‘di ba? Ano ba ‘yung bigyan mo si Kuya Pao ng block screening?” sabi ni Paolo, na ikinatawa ng mga kaharap niya.

Kuwento ni Paolo, magkasama raw sila noon nina Alden, Dingdong at Marian Rivera sa teleseryeng My Beloved. Kailangan daw ni Alden ng leather shoes sa eksena, kaya pinahiram ni Paolo ng charol na Zara shoes niya ang binata. Nagandahan daw si Alden sa shoes kaya ibinigay na lang ito ni Paolo sa kanya.

Sabi pa ni Paolo, natutuwa siya na kapag sinilip ang Instagram ni Alden ay naroroon pa sa mga unang post ng bida ng Victor Magtanggol ang picture ng shoes na ibinigay niya rito.

“Gusto kong kumita itong Through Night and Day bilang pasasalamat ko sa Viva Films at Octo Arts Films dahil nagtiwala sila sa akin,” seryoso nang sabi ni Paolo.

Dahil isang Kapuso, kahit masipag mag-promote si Paolo ay hindi siya puwedeng mag-promote sa ibang network, maliban sa GMA. Kaya naman this Saturday ay nasa Eat Bulaga siya, at sa Sunday, mapapanood naman siya sa Sunday PinaSaya.

-NORA V. CALDERON