Bahay ni Kuya, magbubukas uli ngayon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NGAYONG Sabado na muling magbubukas ang Bahay ni Kuya na tatawaging Pinoy Big Brother Otso, dahil walong kabataang housemates na sumalang sa matinding screening ang makikilala sa bagong season ng nasabing Kapamilya reality show.

Maymay copy

Kabilang sa walo ang isang musikero, isang athlete, at isang heartthrob. Meron din daw nagmula sa abroad at ang iba ay galing sa probinsiya.

Ngayong Sabado makikilala ang unang tatlong housemates sa Bahay ni Kuya.

Samantala, may payo ang latest PBB Teens winners na sina Maymay Entrata at Edward Barbers sa mga bagong housemates ni Kuya.

“’Wag na wag n’yo walain kung sino kayo. Kung alam n’yo namang tama kayo, magpakatotoo lang kayo. At wala kayong tinatapakan na tao, go lang kayo,” sabi ni Maymay.

Tip naman ni Edward: “Show yourself. Be who you are and you’ll get far not just in the competition but in life.”

-Ador V. Saluta