US Embassy, sarado sa Lunes

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sarado ang tanggapan ng United States (US) Embassy sa Roxas Boulevard sa Ermita sa Maynila, gayundin ang mga affiliated offices nito sa Lunes, Nobyembre 12, 2018.

Ito ay bilang pakikiisa sa Veteran’s Day, isang American Holiday at ginugunita tuwing Nobyembre 11 upang parangalan ang mga military veteran at bilang paggunita na rin sa pagtatapos ng World War I.

Sa isang abiso ng embahada sa website nito, sinabi nitong magbabalik sa normal ang regular na serbisyo sa Martes, Nobyembre 13.

-Mary Ann Santiago