Racasa, rumesbak sa World Cadets

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

GALICI, Spain – Rumesbaksi Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa matapos ang magkasunod na kabiguan nang pabagsakin si Aji Susanmaria ng Ireland sa Round 3 ng World Cadets Chess Championships nitong Miyerkoles sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.

RACASA: Bumuwelta sa World Cadet championship

RACASA: Bumuwelta sa World Cadet championship

Namayani ang 11-anyos na si Racasa (ELO 1342) matapos ang 32 moves ng London System Opening.

Naunang nabigo si Racasa kina Abigail Riis Weersing (1649) ng England sa first round at kay Magdalena Schiopu-Oana (1526) ng Romania sa second round.

Makakalaban ni Antonella Berthe si Woman Candidate Master (WCM) Patricia Anastas Abdala Cancino (1551) ng Chile sa fourth round.