Pacquiao vs Broner tuloy sa Vegas

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

MULA sa makasaysayang pagbisita sa Oxford at Cambridge Universities sa London, United Kingdom, balik Manila ang eight-division world champion na si Manny Pacquiao para simulan ang pagsasanay sa nalalapit na laban kay four-division world titlist Adrien Broner ng United States sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kailangan ni Pacquiao na maihanda ang sarili para makasabay kay Broner na inaasahang magiging determinado para makasingit sa kasaysayan ng sa future Hall-of-Famer.

May rekord si Pacquiao na 60-7-2 na may 39 pagwawagi sa knockouts, samantalang may kartada si Broner na 33-3-1 na may 24 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña