Jolina, 40 na pero ‘parang chuvachuchu’ pa rin—Marvin

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BIRTHDAY ni Jolina Magdangal noong November 6 at 40 years old na ang misis ni Mark Escueta. Kabilang sa mga bumati kay Jolina ang dati niyang ka-love team na si Marvin Agustin. Nag-post pa si Marvin sa Instagram ng old photos nila ni Jolina, complete with makabagbag-damdaming caption.

Marvin at Jolina copy

“Happy birthday labtim!!! I know how happy you are already and you deserve all the beautiful blessings you enjoy. Ang mababait, pinagpapala at nagtatagumpay talaga. Isa ka sa mga masusuwerteng 40 years old sa buong mundo; you’ve achieved so much in life without looking like you aged at all. Parang chuvachuchu pa din ang dating mo sakin. Babe na babes ka pa din sa paningin ko, at pwede ba… #labskitaokeykalang as my labtim forever!“

Sa recent photo na magkayakap sila ni Jolina, ang caption ni Marvin: “Ang saya. Ang saya-saya ko para sa ‘yo. Ang saya-saya makita ka ulit. Happy birthday again! Tutuparin ko ang pangako ko sa ‘yo.”

Sumagot si Jolina sa birthday greetings at pa-throwback photos ni Marvin: “LABTIM!! Maraming salamat. Sobra naman ako na-touch sa post mo. Na-miss kita labtim. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa ‘kin. ‘Oh yes kaibigan mo ko, kaibigan mo lang ako!’ Hahahaha!!!

May hiling ako para sa birthday ko… ikuwento mo sa ‘kin yung LOVE LIFE mo!! Hahaha!”

Nagre-request tuloy ang fans nina Marvin at Jolina na sana ay magtambal sila sa TV, pero hindi nga lang ito pupuwede sa ngayon. Nakakontrata kasi si Jolina sa ABS-CBN, kung saan isa siya sa host ng morning talk show na Magandang Buhay.

Sa GMA-7 naman may shows si Marvin, at pagkatapos ng Kambal Karibal ay mapapanood siya sa Inagaw na Bituin, na airing na sa January 2019.

-Nitz Miralles