Dalawang blind items

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DALAWANG blind items ang mainit na usap-usapan ngayon sa showbiz. Ang una na nagsimulang kumalat nitong nakaraang linggo ay tungkol sa married couple na naghiwalay na raw. “Raw” pa kasi hindi pa naman kumpirmado.Ayon kasi sa sources na pinagtanungan namin, magkasama naman pala sa bakasyon sa ibang bansa ang couple nitong nakaraang long weekend. Kasama pa nga ng showbiz couple ang pamilya ng girl.Tiningnan namin ang social media accounts nila, may posts na kuha sa kanila sa ibang bansa pero kapansin-pansin na hindi nagkakasama sa mga picture ang husband at wife.

Ang itinuturong dahilan ng diumano’y hiwalayan ay ang aktres ang nauna nang natsismis sa husband.Ayaw naming magbigay ng clue, kasi baka naman bunga lang ng makakating dila ang tsismis.Ang ikalawang blind item ay tungkol naman sa isang young actor na nagtangkang magpakamatay. Ayon sa Facebook post ni Laila Chikadora, naglaslas ito ng leeg at pulso.Wala ring ibinibigay na clue ang lahat ng reporters na nagpo-post tungkol sa young actor at hahayaan din lang naming ganito.Maselang paksa ang naganap at sana ay matutukan siya ng kanyang pamilya at maisaayos ang kung anumang problema niya.

Naisugod sa ospital ang young actor at nailigtas ang buhay.

Sa mga pagkakataong ganito mas kinakailangan ang support system, at sana ay ibigay ito ng industriya sa young actor.

-DINDO M. BALARES