Career ni Mader Sitang sa PH, napurnada

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SORRY, guys! Hindi na magbabalik pa sa Pilipinas ang Asia’s top transgender supermodel-lawyer na si Mader Sitang ng Thailand, na nag-viral sa kanyang signature hair-flipping dance moves.

Wilbert at Mader Sitang

Ito ay makaraang ihayag ng dating Mr. Gay World finalist-businessman na si Wilbert Tolentino, na naging manager ni Mader Sitang sa pagbisita ng huli sa Pilipinas kamakailan, na ayaw kilalanin ng Thai star ang kontratang pinirmahan nito sa kanya sa Thailand.

Ipinost ni Wilbert sa Facebook ang paglilinaw niya sa isyu.

“By now, you must have already known that the contract signing between me and Mader Sitang here in Bangkok did not materialize because of the latter’s refusal to honor such agreement. All of you can attest that I have always been fair and transparent in all my dealings;

“I am so touched and overwhelmed with the show of moral support by my kababayans through the large number of FB messages that i have been receiving. Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. Special thanks to Team Philippines’ legal adviser for the big help you have extended to us! To our media partners, bloggers and columnists, thank u very much;

“I will be back in a few days, upon my return I will give my official statement regarding this matter. Truth and Fairness shall always prevail!” saad sa post ni Wilbert.

Oktubre 19 nang ihayag ni Wilbert, na siya ring founder ng Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc. (WEMSAP), na siya ang magsisilbing manager ni Mader Sitang para sa serye ng shows nito sa Europe sa Disyembre. Nag-launch pa nga si Wilbert ng pabango in her honor, at may plano ring pelikula na pagbibidahan sana nina Mader Sitang at Vice Ganda

-ROBERT R. REQUINTINA