Bong Go, may paalala sa mga pulis

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Hindi lang protektahan at pagsilbihan ang publiko, kundi manatiling tapat sa watawat ng Pilipinas.

Ito ang paalala ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga pulis na nagsipagtapos ng Public Safety Officers Orientation Course, nitong Miyerkules.

“President Rodrigo R. Duterte wanted to remind our policemen not only to perform their job—to protect and serve the people, but be loyal to the Philippine flag,” pahayag ni Go, sa isang panayam sa media sa National Police College (NPC) Heroes Hall, Camp Castañeda sa Silang, Cavite.

Ito rin ang naging mensahe ni Go bilang panauhing pandangal sa graduation ceremonies ng Public Safety Officers Orientation Course (PSOOC) “MADALUBHASA”, na inorganisa ng NPC sa Silang.

“We respect our policemen. They are President Duterte’s partner in the campaign against illegal drugs,” pagpapatuloy niya.