Ateneo, target ang swimming tilt

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TARGET ng Ateneo na muling maitala ang swimming double championship sa pagsikad ng UAAP Season 81 swimming championships sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Nakamit ng Blue Eagles ang men’s division sa ikaapat na sunod na season, habang nasungkit ng women’s tankers ang titulo sa nakalipas na taon.

Puntirya ni two-time Olympian at three-time MVP Jessie Khing Lacuna ma tapusin ang collegiate career sa isa pang paghatid sa Ateneo sa pedestal ng tagumpay.

Nakolekta ni Lacuna ang pitong gintong medalya sa nakalipas na taon.

Kasama ni Lacuna na bibida sina Season 79 MVP Aldo Batungbacal at last year’s top rookie Miguel Barlisan para maidepensa ang korona laban sa mahigpit na karibal na De La Salle at University of the Philippines.

Asam naman ng Lady Eagles, sa pangunguna ni last year’s Rookie-MVP Chloe Daos, na masungkit ang ikalimang titulo.

Nakolekta ng silver medalist sa nakalipas na 41st Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Brunei, ang anim na ginto at isang silver sa nakalipas na season.