Tiu, POW ng PBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

ITINAAS ni Rain or Shine veteran guard Chris Tiu ang antas ng laro sa panahong nagbabadya na ang pagreretiro dahilan para tanghalin siyangCignal-PBA Press Corps Player of the Week para sa 2018 Governors’ Cup.

Kumasa ang 5-foot-11 guard mula sa Ateneo sa natipang 30 punto sa panalo ng Rain or Shine kontra NLEX, 107-101, nitong Linggo.

Wa l a pa n g po rma l n a pahayag si Tiu hinggil sa kanyang pagreretiro matapos ang anim na season, ngunit tila nagparamdam na ang beteranong National Team mainstay bunsod nang planong tutukan ang mga personal na trabaho.

Inaasahang ipapahayag ni Tiu ang desisyon matapos ang pakikipagpulong sa ROS management sa susunod na taon.

Napili bilang NO.7 overall ng Rain or Shine noong 2012, isa si Tiu sa maaasahang player ng ROS sa kanilang matagumpay na kampanya sa PBA championship noong 2016 Commissioner’s Cup.

Ayon sa record ni PBA chief statistician Fidel Mangonon, naitala ni Tiu ang averages 10.7 puntos, 2.8 rebounds at 3.97 assists.

Tinalo ni Tiu sa parangal sina Meralco forward Reynel Hugnatan, Phoenix’s Calvin Abueva at Matthew Wright, gayundin si Ginebra slotman Greg Slaughter.