DLSU jins, kampeon sa UAAP 81

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NABAWI ng De La Salle ang overall championship sa taekwondo competition – salamat sa dominanteng kampanya ni Rinna Babanto – para sa ikalawang titulo sa nakalipas na tatlong season nitong Martes saUAAP Season 81 poomsae tournament sa Blue Eagle Gym.

UAAP WINNER! Muling nabawi ng De La Salle, sa pangunguna nina MVP Rinna Babanto at Rookie of the Year winner Patrick Perez, ang kampeonato sa poomsae event ng UAAP Season 81.

UAAP WINNER! Muling nabawi ng De La Salle, sa pangunguna nina MVP Rinna Babanto at Rookie of the Year winner Patrick Perez, ang kampeonato sa poomsae event ng UAAP Season 81.

Tinapos ni Babanto ang collegiate career sa impresibong panalo sa individual female at mixed pair events, sapat para pangunahan ang Green Jin sa dominanteng resulta.

Nakamit ni Babanto, dating world champion, ang iskor na 8.180 para higitan ang kapwa Asian Games bronze medalists na si Nikki Oliva ng niversity of the Philippines (8.100) at Juvenile Faye Crisostomo ng Far Eastern University (7.900).

Nakipagtambalan siya kay Patrick Perez para sa gintong medalya sa mixed pair na may 8.235 iskor, kontra kina University of Santo Tomas’ Jerel Dalida at Cyrinne Abenir (8.200) at UP’s Jayboy Buenavista at Pat Jubelag (8.015).

Nakumpleto ng De La Salle ang double victory sa individual events sa panalo ni Perez (8.305) laban kina UST’s Adrian Ang (8.150) at National U Kier Macalino (8.035).

Magtatapos ng kanyang career si Babanto tangan ang kasaysayan bilang unang poomsae MVP, habang si Perez ang Rookie of the Year.

“Oh my God, hindi ko po ini-expect. Sobra,” pahayag ni Babanto, pambato ng Cebu.

“He is very passionate and hardworking person I know. Sobrang gustong-gusto niya na magkapag-contribute sa team. I believe in him 100 percent in the next competition. I expect more medals,” sambit ni Babanto patungkol sa tikas na performance ni Perez.

Nakamit naman ng G sa overall matapos magwagi sa male team eventy, habang pangatlo ang Fighting Maroons.