Weather stations sa WPS

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na pagtatayo ng China ng weather observations stations sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa DFA, ang mga nasabing report at base sa pahayag ng mga opisyal ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na ang weather observation station sa WPS ay may tatlong features.

Nakikipag-ugnayan ang DFA sa concerned agencies ng gobyerno ng Pilipinas at sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing upang beripikahin ang pagtatayo ng nasabing mga pasilidad.

Tiniyak ng DFA na gagawin nito ang kaukulang aksiyon sakaling ma-validate ang naturang ulat.

-Bella Gamotea