PH-Bahrain, tumibay pa

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mas matibay na ugnayan ngayon sa pagitan ng Pilipinas at Bahrain.

Ito ay sa garantiya ni H.E. Prime Minister Prince Khalifa bin Salman Al Khalifa kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola, sa Manama nitong Linggo.

Inihayag ng Prinsipe ng Bahrain ang kanyang pasasalamat sa naging ambag ng mahigit 600,000 oveseas Filipino worker (OFW) sa kanyang bansa.

Nagpasalamat naman si Arriola sa kooperasyon ng Bahrain sa mga isyu sa migration ng Pilipinas, at sa pagbibigay proteksiyon sa mga karapatan ng mga migrante, kabilang na ang mga OFWs, alinsunod sa Global Compact on Migration.

-Bella Gamotea