Millennial stars gustong makatrabaho ni Ate Vi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NITONG November 3, kaarawan ng ating pinakamamahal na si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto. Sa araw ding yun ay ipinalabas ang taped interview kay Ate Vi sa special episode ng The Bottomline hosted by Boy Abunda.

Vilma copy

Sa nasabing panayam sa Star For All Seasons, sinabi ni Vilma na kung sakaling gagawing pelikula ang kuwento ng kanyang buhay, dalawang aktres ang naiisip niyang gumanap bilang siya. Sila ay sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Gusto rin niyang makasama ang “new blood” sakaling gagawa man siya ng bagong proyekto, gaya nina Daniel Padilla, James Reid, at Joshua Garcia.

Pero sa ngayon, third priority lang daw niya ang pag-arte, pangalawa ang kanyang pamilya, at una ang public service. Wala ring balak si Ate Vi na mag-retire sa edad na 65. Titigil lang daw siya kapag sa tingin niya ay hindi na naniniwala sa kanyang mga programa ang kanyang constituents sa nag-iisang distrito ng Lipa City sa Batangas.

“Kapag naramdaman k o n a h i n d i n a pinaniniwalaan sa mga gusto kong gawin at nakikita kong hindi na nila ako handang suportahan bilang isang leader,” sabi ni Ate Vi.

Kararating lang ni Ate Vi nitong Lunes matapos ang halos isang linggong bakasyon with Senator Ralph Recto, son Ryan, mga kapatid, pamangkin at halos lahat ng kanyang staff sa Kamara.

-Ador V. Saluta