Caitom, magbabalik sa ring pagkaraan ng 12 taon

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

Muling magbabalik sa ring ang walang talong si Filipino light flyweight Rey Caitom laban sa beteranong si Silem Serang ng Indonesia sa Nobyembre 30 sa sumisikat na The Ring Boxing Community sa Singapore City, Singapore.

Huling lumaban si Caitom noong 2006 bago nagretiro nang tumabla kay Ruel Lagunera sa sagupaang ginanap sa Tagbilaran City, Bohol.

May kartadang 6 panalo at 1 tabla na may 2 pagwawagi sa knockouts, masusubok ang tubong Mandaue City, Cebu kung may ibubuga pa siya sa boksing laban sa beteranong si Serang na lumaban sa mga bansang Indonesia, Thailand, Singapore at minsan sa Pilipinas kung saan siya pinatulog ni two-time world title challenger Jonathan Taconing sa loob ng tatlong rounds noong 2017.

-Gilbert Espeña