2 pulis, ex-cop, 4 pa huli sa checkpoint

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Sa pinaigting na kampanya laban sa pagbibitbit ng baril na walang kaukulang papeles, dalawang pulis, isang dating pulis at apat na iba pa ang naaresto sa checkpoint.

Kinilala ni Police Sr. Supt, Leon Victor Z. Rosete, acting provincial director, ang mga naaresto na sina Roberto Mallari, 45, ng Barangay Papaya; Harold Magsijocc, 31, protection agent, ng Bgy. Bagong Silang, Caloocan City; at Christian Agaming, 46, dating pulis, ng Blk 20 Lot 13, Manila Street, Greenfield 3, Novaliches, Quezon City.

Kinilala naman ang dalawang pulis na kasama ni Mallari, sakay sa SUV (BIV- 138), na sina PO3 Victor Aquino, 43, ng anti-carnapping unit ng Quezon City Police District (QCPD); at PO2 Mark Oliver Olayvar, ng QCPD.

Pinara ang sasakyan ng mga ito at nagsagawa ng inspeksiyon hanggang sa nakuhanan ng tatlong baril, dakong 3:30 ng madaling araw.

-Light A. Nolasco