Nanuyot na TV host-actress, problemado sa love life?

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUNG hindi pa kami tinanong ng mga kaibigan naming nasa ibang bansa, hindi namin mapapansing iba ang aura ngayon ng isang TV host-actress.

“Bakit tuyot si (TV host/actress)? Parang may something sa kanya, hindi ba siya masaya ngayon sa buhay niya? May career naman siya, pero ibang-iba ang itsura niya ngayon, nawala ang pagka-bubbly niya. Halatang may pinagdadaanan,” ito ang sunud-sunod na tanong sa amin.

Dahil dito, isa-isa tuloy naming tsinek ang social media accounts ng TV host-actress. Oo nga, halos lahat ng litrato niya na kuha sa ibang bansa kung saan siya nagbabakasyon ngayon ay ‘tila pilit ang mga ngiti niya, at kung nakangiti man ay malungkot naman ang mga mata.

May video pa na ang saya-saya ng kasama niya, pero parang naiiyak naman siya at ‘tila ayaw magpakuha sa video?

“Ay sis, pansin na pansin namin ‘yan dito. Halatang may problema, at baka nga totoo ang kalat dito sa Amerika na tungkol sa love life niya,” hirit sa amin ng aming kaibigan.

Huh, love life? Parang wala naman kaming naririnig na may problema siya sa buhay pag-ibig niya? Nauna pang mabalita sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas?

“Eh kasi nga tagarito ‘yung guy. So, alam mo na, kuwento-kuwento ng friends at relatives. ‘Di ba madalas dito ‘yung guy without (TV host-actress). Ang reason ay may movie project,” kuwento pa sa amin.

Bigla tuloy kaming nag-flashback. Oo nga, parang lagi ngang nasa ibang bansa ang guy, though may project naman talaga siya abroad.

Pero ang mabilis na sagot sa amin ng kaibigan naming based sa Los Angeles, California: “In between ba hindi puwedeng gumawa ng hanky panky? Saka ano ba, hindi santo ang mga lalaki, ‘no?”

Hindi pa rin kami kumbinsido, dahil pinanghahawakan namin ang pahayag ng guy na sobrang mahal niya ang TV host-actress, at gayundin naman ang huli.

Let’s wait, see, look and listen na lang, Ateng Jet.

-REGGEE BONOAN