2 gusali gumuho sa France

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

MARSEILLE, France (AP) — Patuloy ang rescue operation sa mga taong posibleng naipit sa gumuhong dalawang gusali sa Marseille, France, nitong Lunes.

Bigla umanong gumuho ang isang bakanteng gusali at ang katabi nito, na kinapapalooban ng mga apartment, bandang 9:00 ng umaga.

Dalawang katao, na nasa kalsada noong oras na iyon, ang nasugatan.

Nitong Lunes ng gabi, sinabi ni French President Emmanuel Macron na hindi pa matukoy kung may namatay o nakulong sa gusali kahit pa hindi na pinatitirahan ang mga ito