3 Girl Scouts patay sa hit-and-run

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

LAKE HALLIE, Wis. (AP) — Sinalpok ng isang pickup truck na nawalan ng direksiyon ang isang grupo ng Girl Scouts na naglilinis sa gilid ng kalsada sa western Wisconsin nitong Sabado, na ikinamatay ng tatlong batang babae, at isang matanda at malubhang nasugatan ang isang pang bata, sinabi ng pulisya.

Sinabi ni Sgt. Daniel Sokup ng Lake Hallie Police Department na tumakas ang driver ng itim na Ford F-150 pickup truck ngunit kalaunan ay sumuko rin. Kinilala niya ang driver na si Colton Treu, 21, ng Chippewa, Falls, Wisconsin, at kakasuhan ng four counts ng homicide dahil sa pabayang paggamit ng sasakyan.

Nangyari ang aksidente nitong Sabado ng umaga habang naglilinis ang mga batang babae sa kanal sa gilid ng kalsada sa Lake Hallie, isang bayan may 153 kilometro ang layo sa silangan ng Minneapolis.

Ang mga batang biktima ay nasa fourth grade sa Halmstad Elementary School sa Chippewa Falls, Wisconsin. Pawang nakasuot ang Girl Scouts ng matingkad na safety vests at may kasamang ilang matatanda habang naglilinis sa gilid ng kalsada.