Brexit seselyuhan sa Nobyembre 21

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

LONDON (AFP) – Naniniwala ang Brexit minister ng Britain na magkakaroon na ng divorce deal sa European Union sa Nobyembre 21, gaya ng lumutang nitong Miyerkules, ngunit naninigurado pa ang Downing Street.

Ito ang naging komento ni Dominic Raab sa liham sa House of Commons Brexit scrutiny committee, na may petsang Oktubre 24 ngunit ngayon lamang isinapubliko.

‘’I would be happy to give evidence to the committee when a deal is finalised, and currently expect 21 November to be suitable,’’ isinulat niya.

Kapwa inimbitahan sina Raab at Oliver Robbins, chief Brexit advisor ni Prime Minister Theresa May, na magsalita sa komite sa nasabing petsa.