Magandang aktres, dedma kay premyadong aktres

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NARINIG naming pinag-uusapan ng mga katoto, at nabanggit na rin sa isang radio program, ang tungkol sa pagtatalo ng isang premyadong aktres at ng isang magandang aktres, dahil bida-bida ang huli.

Bagamat hindi direktang magkatrabaho ngayon ang dalawa sa isang umeereng teleserye, umalma ang premyadong aktres dahil may kinalaman ito sa kanyang kaanak na pinakitaan daw ng hindi maganda ng magandang aktres.

Akala ng lahat ay okay na dahil nagkapaliwanagan na, pero hindi pa pala. Dinedma kasi ng premyadong aktres ang magandang aktres na gusto sana siyang makausap.

O baka naman kaya mas lalong iritable ang premyadong aktres sa magandang aktres ay dahil talo sa ratings game ang teleseryeng kinabibilangan niya sa programa ng magandang aktres na katapatan nila.

As of now ay tuluy-tuloy pa rin ang shooting ng magandang aktres at ng kaanak ng premyadong aktres, at civil naman daw ang dalawa sa set. Kaya pala gumanda lalo ang mga eksenang nagsasagutan at nagtatarayan sila ay dahil pareho silang totoong irita sa isa’t isa?

Anyway, pakiramdam namin ay miscommunication lang ang nangyari at magkakaayos din ang tatlo sa mga susunod na araw.

-Reggee Bonoan