Aktor na may bisyo, ‘pahinga muna’ sa projects

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“HAYAN vindicated na si (pangalan ng aktres). Ganyang-ganyan din siya (name ng ex na aktor) noon.” Ito ang tsika sa amin ng taong malapit sa aktres.

Nang magkarelasyon pa raw noon ang aktres at aktor ay nakaramdam na ang una ng pagbabago sa boyfriend niya, dahil hindi na ito nakakasipot sa usapan nila. Lagi rin itong late, at ang parating dahilan ay busy o kaya naman nakatulog sa pagod.

Ilang taon ding nagtagal ang relasyon nina Aktor at Aktres, na ang huli ang laging nag-a-adjust, kasi nga mahal niya ang guy. Pero may hangganan rin pala siya, dahil nagising na lang siya isang araw na gusto na niyang makipaghiwalay.

Naging mabilis at walang drama-drama ang hiwalayan nina Aktor at Aktres.

“Eh kasi may iba na si Aktor, kaagad kaya siya binreyk ni (Aktres). Sakit siya ng ulo to the max,” sabi pa sa amin.

At ngayong may bagong isyung kinasasangkutan si Aktor, dedma si Aktres. Matagal na raw wala sa sistema niya ang dating karelasyon.

“Tama lang, wala namang naitulong sa career niya (Aktres) si (Aktor). Siya pa nga ang natulungan, eh. Wala nga ring pera ‘yun. Ha, ha, ha, ha,” tumatawang kuwento sa amin.

Paanong walang pera? Saan napupunta ang kinikita ni Aktor?“Eh ‘di ask mo (Aktor). Baka sa bisyo niya,”say pa ng taong malapit kay Aktres.

Parang wala namang bisyo si Aktor, hirit naming.

“Ibang bisyo ‘yun, hindi droga. Basta iba. Alamin mo.”

As of now ay wala kaming alam na project ang aktor. Sinabihan daw kasi siya ng bossing ng network: “Pahinga ka muna.”

-Reggee Bonoan