Pagkain ng labong vs obesity

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

ANG pagkonsumo ng dietary fiber na nakukuha sa bamboo shoots o labong ay epektibo upang hindi maging obese ang isang tao at nagpapaganda rin ito ng insulin sensitivity, ayon sa bagong pag-aaral ng mga Chinese researcher.

bamboo-shoots

Pinag-eksperimentuhan ng mga mananaliksik mula sa Xishuangbanna Tropical Botanical Garden sa ilalim ng Chinese Academy of Sciences ang dalawang bamboo shoot fibers sa pamamagitan ng pagpapakain ng mga ito sa high-fat diet-fed na mga daga. Nakatulong ang mga fiber para hindi makapagdagdag ng timbang ang mga daga. Pinabuti rin nito ang kanilang glycemic control at insulin sensitivity.

Ayon kay Zhang Ping, ang pangunahing mananaliksik, popular na gulay umano ang bamboo shoot sa China dahil ito ay masustansiya at masarap.

“A lot of metabolic diseases are caused by people eating too much meat and an excessive intake of fat. Our study shows that when people have eaten a lot of meat, eating bamboo shoot can help them fight fat deposition, thus inhibiting weight gain and keeping islet function in the normal range,” sabi ni Zhang.

Ang bamboo shoot fiber ay isang dietary fiber at maaari itong gamiting ingredient para sa mga pagkaing pangpababa ng timbang at nakapagpapabuti rin ito ng insulin sensitivity, dagdag pa ni Zhang.

Ang pag-aaral ay inilathala sa Journal of Functional Foods.

PNA