Childhood obesity, maaaring sanhi ng malalang hip disorder

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ang mga batang obese ng malalang hip disorder kaysa mga bata na hindi overweight, lahad sa isang UK study.

Ang disorder, na kilala bilang slipped capital femoral epiphysis (SCFE), ang isa sa pinakakaraniwang problema sa balakang na nararanasan ng mga bata. “It can lead the ball at the head of the thigh bone to slip backward and often requires surgery to repair.” Kahit matagal nang sinasabing ang naturang sakit ay konektado sa obesity, na siyang nagbibigay ng extra pressure sa mga buto, on bones, wala pa ring naipapahayag na matibay na ebidensya na ang direktang sanhi ng SCFE ay obesity.

“Some doctors, in particular orthopedic surgeons, have long believed that SCFE is linked to childhood obesity, though this has been very difficult to prove,” pahayag ng pangunahing awtor na si Daniel Perry ng University of Liverpool sa UK.

Ang kasalukuyang pag-aaral ay hindi isang controlled experiment na idinesento upang patunayan kung paano at kung talagang direktang obesity ang sanhi ng SCFE.

Ngunit “the strength of this association is striking,” sabi ni Daniel.

Ang mga bata at teens ay kinokonseiderang obese kapag ang kanilang body mass index (BMI) ay mas mataas ng 95 percent kaysa ibang kabataan na ka-edad nila at kapareho ng kasarian.

Kinokonsidera naman silang severely obese ang kanilang BMI ay mas mataas ng 99 kaysa ibang mga bata.

“There are multiple health problems associated with childhood obesity, and we now know that SCFE is one of them,” lahad naman ni Dr. Tim Theologis ng Oxford University Hospitals sa UK.

“Although this was beyond the scope of this study, it is logical to assume that if obese children were to lose weight, this would reduce their risk of SCFE,” sabi pa ni Tim, na walang kinalaman sa pag-aaral.

Maaaring makaapekto ang obesity upang magkaroon ng SCFE dahil ang growth plate kung saan nagtatagpo ang buto sa hita at sa hip joint ay binubuo ng cartilage na mas mahina kaysa buto, paliwanag ni Dr. Deborah Eastwood ng University College London.

“This is the first (of hopefully several studies) that will confirm that obesity is bad for children – in this case bad because it increases the risk of a rare but ‘nasty’ orthopedic condition which could be disabling,” ani Deborah, na hindi rin kasama sa pag-aaral. “Children who are not overweight tend to be more active, fitter and healthier – and this can only be good for you.”

Reuters