Sunud-sunod na rollback, ‘di tiyak

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ipinabatid ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DoE-OIMB) ang dahilan ng magkasunod na linggong big-time oil price rollback sa bansa.

Tinukoy ni DoE-OIMB Assistant Director Rodella Romero na hindi na nakiagaw ang Amerika sa pandaigdigang supply ng langis o krudo, dahil malaki na ang naging stockpile nito ng petrolyo.

Aniya, hindi rin naging malaki ang ibinaba ng supply ng export ng Iran, maging ng iba pang oil exporting countries sa Gulf.

Ayon pa kay Romero, isang malaking katiyakan na hindi na makikiagaw ng supplies ang Amerika.

Tiwala rin ang oil traders na ang available na supply ng langis ay tatagal hanggang sa huling buwan ng 2018, o unang linggo ng 2019.

Gayunman,hindi matiyak ni Romero kung masusundan pa ang magkasunod na big-time oil price rollback.

-Bella Gamotea