Gabby at Jennylyn, tandem sa rom-com series

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAG-STORYCON na nitong Lunes ang rom-com series ng GMA-7 na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Ipinost ni Gabby ang photo nila ni Jennylyn: “Last night we had a storycon for new Rome-antic Comedy with new leading lady @mercadojenny. Babalik na si ROME magteteleserye na. Malapit na! Excited!”

Ang tinukoy na “Rome” ni Gabby ay ang pangalan ng karakter niya sa hit series na Ika-6 Na Utos. Ngunit sa pagkakataong ito, si Jennylyn naman ang makakapareha niya.

Wala pang detalye sa rom-com series nina Gabby at Jennylyn, gaya ng kung sino ang direktor at kung sino ang makakasama sa cast. Bagong tambalan ito at kahit storycon pa lang, excited na ang fans ng dalawa na mapanood sila sa isang series.

In fairness kay Gabby, puro mas bata sa kanya ang mga nakakapareha niya sa shows at lahat pumapatok. Mula kay Carla Abellana, Sunshine Dizon at ngayon naman ay si Jennylyn.

-Nitz Miralles