Tinutugis sa rape, dinakma

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena at Intelligence Sections ng Las Piñas City Police ang isang lalaking na ikalimang most wanted sa lungsod, sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si George Barlow y Resusu, nasa hustong gulang, ng Padre Diego Cera Avenue, Barangay Manuyo Uno, Las Piñas.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nadakip sa joint operation, sa pangunguna nina Chief Insp. Marlo Solero at SPO4 Jay Joseph De Guzman, si Barlow sa Padre Diego Cera Avenue sa Manuyo Uno, dakong 10:30 ng gabi.

Inaresto si Barlow sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 199 Judge Joselito Vibandor dahil sa kasong rape.

Walang inirekomendang kaukulang piyansa ang korte para sa akusado.

-Bella Gamotea