Nueva Ecija Police chief, sinibak

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Sinibak ng Philippine National Police (PNP) sa puwesto si Nueva Ecija Police Provincial Office director, Senior Supt. Eliseo Tanding dahil sa pagkabigo nitong magpatupad ng malawakang balasahan sa mga hepe nito.

Pinalitan si Tanding ni Senior Supt. Leon Victor Rosete.

Tumagal lang si Tanding ng isang taon at anim na araw sa kanyang puwesto.

Paliwanag ng isang reliable source, ang pagkaka-relieve ni Tanding ay sanhi umano ng pagkabigo nitong maipatupad ang “major revamp” sa hanay ng mga station commander na lumagpas sa normal na “two-year tour of duty”.

Gayunman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Tanding sa mamamayan na sumuporta sa programa niya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Light A. Nolasco