Nahirapang huminga sa selda, dedo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isa na namang bilanggo ang nasawi makaraang mahirapan sa paghinga sa loob ng selda ng Taguig City Police, nitong Sabado.

Binawian ng buhay sa Taguig- Pateros District Hospital si Isidro Obquia, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, ipinabatid ng mga kapwa bilanggo sa mga duty custodial officer na nahihirapang huminga si Obquia sa selda, dakong 3:40 ng umaga.

Kaagad na humingi ng tulong ang mga pulis sa Taguig Rescue Team upang madala sa pagamutan si Obquia, subalit pagdating doon ay binawian na ito ng buhay, bandang 4:00 ng umaga.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing insidente.

-Bella Gamotea