Construction site gumuho, 3 todas

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Tatlong trabahador ang nasawi at tatlong iba pa ang nailigtas nang gumuho ang isang construction site sa Baguio City, nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng Baguio City Police Office, ilang oras din bago nahukay ang bangkay ng tatlong trabahador na hindi pa nabatid ang pagkakakilanlan.

Bago ang insidente, ginagawa ng anim na trabahador ang isang riprap sa lugar nang biglang gumuho ang kinatatayuan nilang lupa.

Unang nailigtas ng mga rescuer ang tatlong kasamahan nila ngunit nang gumamit sila ng backhoe ay nagkaroon na naman ng pagguho na ikinabaon ng tatlong nasawi.

Ayon sa pulisya, tumagal ng dalawang oras bago nila nahukay ang bangkay ng tatlo, na may edad 18-31, at taga-Pangasinan at Nueva Ecija.

-Fer Taboy