Inaresto sa ‘Red October’ iginiit palayain

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sumugod kahapon sa Camp Crame sa Quezon City at nagsagawa ng kilos-protesta ang nasa 20 miyembro ng grupong Gabriela para ipanawagan ang pagpapalaya sa kanilang mga kasamahan at consultant, na inaresto kamakailan sa Sta. Cruz, Laguna.

Iginiit ng militanteng grupo na human rights activists ang mga inaresto, at hindi mga terorista.

Ayon sa Gabriela, hindi g awa i n g t e r o r i smo a n g pambabatikos sa pamahalaan.

Inaresto kamakailan ng ma g k a s a n i b – p uwe r s a n g Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) si Adelberto Silva, consultant ng National Democratic Front (NDF); at ang mga aktibistang sina Ediecel Legazpi, Ireneo Atadero, Hedda de Luna Calderon; at ang driver na si Julio Lusania kaugnay ng sinasabing “Red October” plot laban sa gobyerno.

Inihayag kamakailan ng militar na nalusaw na ang Red October, subalit nagbabala na inilipat lang ang petsa ng umano’y destabilisasyon.

-Fer Taboy