Grade 10 nagbitbit ng baril sa classroom

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Huli sa akto ng kanyang guro ang isang 16-anyos na estudyante sa Grade na may dalang baril sa loob ng kanilang classroom sa Caloocan City, nitong Martes ng umaga.

Kaagad na dinala sa holding area ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyo para isailalim sa counseling.

Kuwento ng guro, dakong 10:10 ng gabi at abala siya sa pagtuturo sa loob ng Sta. Quiteria National High School sa Caloocan nang mapansin niyang hindi nakikinig ang binatilyo sa kanyang klase.

May pinagkakaabalahan umano ang binatilyo sa loob ng bag nito kaya lumapit ang guro at nang silipin ang bag ng bata ay nakita roon ang isang .38 caliber Smith and Wesson revolver.

Kaagad na ipinagbigay alam ng guro sa Police Community Precint (PCP)-7 ang pangyayari, kaya dinala ng pulisya sa ang estudyante sa DSWD.

-ORLY L. BARCALA