Enrile, personal na nag-refile ng COC

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Para maitama ang pagkakamali sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) na inihain ng kanyang abogado nitong Martes, personal na nagtungo sa main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila si dating Senate President Juan Ponce Enrile para muling maghain ng kanyang kandidatura para senador.

Layunin ding ipakita na malusog at malakas pa siya upang magbalik-Senado, personal na isinumite ni Enrile, 94, ang kanyang COC sa Comelec kahapon.

Marter ng hapon nang nagtungo sa nasabing tanggapan ang abogado ni Enrile na si Atty. Joseph Sagandoy para ihain ang COC ng dating senador, pero napuna ang pagkakamali sa nasabing form dahil “businesswoman” ang nakalagay sa occupation ni Enrile, kaya kinailangan itong i-refile.

“I revised it, and corrected from misprints or typographical errors,” ani Enrile.

Ilang panahon nang naglingkod sa Senado, itinuturing si Enrile na isa sa pinakamatandang kandidato sa pagkasenador sa kasaysayan.

-Mary Ann Santiago