Walang Pinoy sa Kenya bus crash

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nakikisimpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kenya sa pagkamatay ng 56 katao nang bumaliktad ang isang pampasaherong bus sa katimugan ng bansa nitong Miyerkules.

Sa ulat kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano, sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na walang Pilipino na nadamay sa aksidente.

Tinatayang 385 Pilipino ang nasa Kenya. – Bella Gamotea