UAAP junior volleyball simula na

Filed under Sports, Volleyball Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

MAKAKASAGUPA ng NU Bullpups na naka-draw ng bye sa opening day ngayong hapon ang De La Salle-Zobel sa unang laro ng UAAP junior volleyball sa nakatakdang three-game bill bukas ganap na 1:30 ng hapon.

Magtutuos naman ngayong opening day ang last season’s runner-up University of Santo Tomas at UP Integrated School ganap na 1:30 ng hapon, na susundan ng sagupaan ng De La Salle-Zobel at University of the East ganap na 3:00 ng hapon bago ang tampok na laro ganap na 4:30 ng hapon sa pagitan ng Far Eastern University-Diliman at Adamson University.

Pangungunahan ang kampanya ng NU ni Faith Nisperos, ang reigning Finals MVP nang walisin ng Bullpups ang Junior Tigresses sa nakaraan nilang best-of-three championship series.

Samantala, nakatakda ring umpisahan ng UST ang kanilang title-retention campaign sa boys division kontra NU ngayong 12:00 ng tanghali.