SBC at LPU: Sila rin magkikita sa Finals!

Filed under Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

TULAD ng inaasahan, nakamit ng defending champion San Beda College at last year’s runner-up Lyceum of the Philippines ang ‘twice-to-beat advantage’ sa Final Four match ng NCAA Season 94.

Nginata ng Red Lions ang Arellano Chiefs, 90-52; habang pinalamig ng Pirates ang St. Benilde Blazers, 77-64, nitong Huwebes sa penultimate day ng double-round elimination ng pinakamatandang collegiate league sa bansa sa FilOil Flying V Arena.

Pinangunahan ni Raymar Caduyac ang pagmamando ng Pirates sa krusyal na sandali para tuluyang patalsikin ang Benilde sa Final Four. Nagsalansan si CJ Perez ng 17 puntos, 10 rebounds, at apat na steals sa Pirates, habang tumipa si Mike Nzeusseu ng 13 puntos, walong rebounds, at apat na blocks.

Hataw naman si Javee Mocon sa Red Lions sa naiskor na 24 puntos para sandigan ang reigning titlist sa pinakamalaking puntos na panalo ngayong season. Nilagpasan nila ang 113-79 panalo ng Lyceum sa pareho ring koponan sa second round.

Hawak ng San Beda ang No.1 spot tangan ang 15-1 karta, habang nakabuntot ang Lyceum sa 15-2.

“Our goal for this game is to win this one. We still don’t know what the future brings. With a win, we didn’t know if we would clinch twice-to-beat or just be in the top two. We still have two games and we still need to be ready,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.

“At least kung twice-to-beat na kami, we will consider the rest of our elimination round games as playoff games. The teams are in the Final Four are really strong, just like what I said during the pre-season. Again, we are happy to be in the top two but we still have two games to go,” aniya.

Nag-ambag si Robert Bolick, umiskor ng 50 puntos laban sa Chiefs sa first round, ng 11 puntos at siyam na assists.

Iskor:

SAN BEDA (90) – Mocon 24, Bolick 11, Oftana 9, Tankoua 8, Doliguez 8, Canlas 6, Carino 5, Nelle 5, Soberano 5, Cuntapay 4, Presbitero 3, Eugene 2, Tongco 0, Abuda 0, Cabanag 0

ARELLANO (52) – Bayla 12, Alban 10, Canete 7, Alcoriza 6, Dela Torre 5, Concepcion 4, Dela Cruz 2, Segura 2, Sera Josef 2, Sacramento 2, Ongolo Ongolo 0, Codinera 0

QUARTERS: 22-15, 38-23, 60-37, 90-52

LPU (77) – Perez 17, Nzeusseu 13, Caduyac 10, Ayaay 10, Tangsingco 8, Marcelino JV 6, Yong 4, Pretta 3, Marcelino JC 2, Ibanez 2, Santos 2, Valdez 0

CSB (64) – Gutang 13, Leutcheu 11, Carlos 11, Dixon 8, Haruna 8, Naboa 7, Nayve 5, Pasturan 1, Belgica 0, Young 0
QUARTERS: 26-17, 37-35, 62-53, 77-64