Belingon, target ang World title sa ONE

Filed under ONE Championship Balita RSS RSS Feed

YANGON, Myanmar – Dalawang epikong duwelo ang ilalatag ng ONE Championship sa ONE: Heart of the Champion sa Nobyembre 9 sa Singapore Stadium.

Tampok ang ‘unification title bout’ sa pagitan nina ONE Interim Bantamweight World Champion at Team Lakay mainstay Kevin ‘The Silencer’ Belingon at ONE Batamweight World Champion Brazilian Bibiano ‘The Flash’ Fernandez.

Magsasagupa naman sa co-main event sina reigning ONE Women’s Strawweight World Champion “The Panda” Xiong Jing Nan ng China at ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstoppable” Angela Lee of Singapore.

Nagsimula ang career ni “The Panda” Xiong Jing Nan bilang professional boxers. Nakamit niya ang gold medal sa prestihiyosong China Open Brazilian jiu-jitsu tournament noong 2017.

Mula nang makamit ang ONE Women’s Strawweight World Championship nitong Enero, dalawang beses na naipagtanggol ni Xiong ang korona.

Huli siyang nanalo kontra Samara Santos ng Brazil para sa 16-1 marka. Asam niyang mapanatili ang korona laban sa matikas na sa Angela Lee.

Itinuturin namang isa sa pinakapopular sa ONE Championship sa nakalipas na mga taon ang Singaporean star.