WBA Asia title sa ‘Bakbakan Sa Molino 9’

Filed under Boxing, Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Brian Yalung

HAHARAPIN ni Pinoy fighter Alphoe Dagaylon ng Quibors stable ang kasalukuyang WBO at WBC champion na si Rongguo Wu ng China oara sa WBA Asia championship sa main event ng “Bakbakan Sa Molino Part 9’ sa Oktubre 27 sa Brgy. Molino 2 covered courts sa Bacoor, Cavite.

Sa co-main event, magtutuos sina Francis Diaz at Powell Balaba ng Elorde Stable ng Tagbilaran City.

Inaasahan din ang maaksiyong duwelo sa undercards, tampok ang mga palabang boxers ng Quibors Stable na sina Rostom Doronio at Robert Gonzales. Mapapalaban si Doronio kay Jonathan Pedrosa ng MP Stable of Bicol City, habang haharapin ni Gonzales si Edsil Jungco ng Winners Boxing Gym ng Marilao, Bulacan.

Mapapanood sin ang laban nina Joseph Ambo at Kiven Aseniero ng ATA Boxing Stable ng Tayug, Pangasinan. Sabak si Ambo kontra Albert Alcoy ng Empire Stable of Makati City, habang masusubok si Aseniero kay Rolly Llino ng Onyok Stable of Bulacan.

Lalabanan naman ni Mark Henrey Scriber ng Empire Stable of Makati City si Elmar Zamora ng inners Boxing Gym of Marilao, Bulacan.