Ryan Coogler, magbabalik sa ‘Black Panther’ sequel

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed
Ryan Coogler (Photo by Willy Sanjuan/Invision/AP, File)

Ryan Coogler (Photo by Willy Sanjuan/Invision/AP, File)

MAGKAKAROON ng sequel ang Black Panther!

Magbabalik- pelikula si Ryan Coogler, para isulat at idirehe ang upcoming sequel ng Black Panther, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight.

Inaasahan magbabalik din si Chadwick Boseman bilang bida sa pelikula, kasama ng iba pang mga naunang cast. Wala namang inilabas na detalye sa petsa ng pagpapalabas sa pelikula at ang kuwento nito.

Matatandaang naging matagumpay ang pelikula commercially and critically, matapos itong kumita ng $700 million sa domestic box office, at mahigit $1.3 billion worldwide.

Una nang nakapanayam ng ET si Ryan noong Pebrero sa premiere ng pelikula nang ibahagi niya ang kanyang opinyon para sa isang sequel.

“Man, I’m just here to talk about Black Panther. That’s all I can talk about. That’s all I can think about!” nagbibirong sabi ni Ryan.

“We gotta sell the movie and get it out there! That’s where my head is. I’m at the last stage of delivering the baby, you know what I’m saying?”