PNP, nakaganti sa Army sa AFP Olympics

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MALUPIT ang resbak ng Philippine National Police (PNP) mula sa third round loss sa Philippine Army nitong Lunes para manatili sa kontensiyon sa AFP-PNP-PCG Olympics 2018 Chess Team Championships sa sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.

Suportado ni PSSUPT Jonnel Estomo, ang Philippine National Police ang tournament leaders matapos ang Round 2 sa nalasap ang third round setback sa Philippine Army, 4.5-7.5.

“With a Double Round-Robin format, it’s still anybody’s race,” sabi ni Philippine National Police coaches SPO3 Jomes Mendoza Pascua at SPO1 Renato “Buboy” Abalos.

Subalit ang Philippine National Police ay lumaban ng husto para daigin ang Philippine Airforce, 8-4, sa Round 4, salamat kina National Master SPO2 Ali Branzuela, National Master PO2 Rolando Andador, PSUPT Jaime Osit Santos at PSI Horizon Villanueva na nagwagi sa kani-kanilang katunggali.

Giniba ni NM Branzuela si International Master A2C Richilieu Salcedo, pinayuko ni NM Andador si NM SGT Raymond Salcedo, angat si Santos kay CPT Mark Buscas at panalo si Villanueva kay 1LT Jess Pinalgan.

Ating magugunita na si NM Branzuela ay nakapuwersa ng tabla kay GM candidate Ronald Dableo, ginulat naman ni NM Andador si IM Joel Pimentel, nabigo naman si Santos na ma convert ang advantage position sa panalo matapos tumiklop kay LTC Lebrito Olmuguez at diniskaril naman ni Villanueva si CPT Marlou Daguio bagamat natalo ang PNP chess team sa Philippine Army chess squad, 4.5-7.5, sa Round 3.

Sa iba pang resulta sa laban ng Police at Airforce, panalo si PINSP Ferdinand Aterrado kayLTC Rhyan Reyes at panalo naman si PSUPT Antonieto Canete via default kay Col. Aldrick Dela Torre.

Tabla naman si PCINSP Alfred Arturo kay CPT Delfin Bolla maging laban nina PO2 Leandro Macasinag at SSGT Onofre Espiritu, SPO3 Ruvillo Paulin versus SGT Allan Cantonjos at PO2 Jones Maghuyop versus A2C Lennon Hart Salgados ay nauwi sa draw.

Sina 1LT Ryan Castro at A2C Sheider Nebato ang nagtala ng kambal na panalo ng Airforce matapos talunin sina PINSP Ronald Agabao at PO3 Ernie Abanco.-Marlon Bernardino

Dableo, Pimentel, Chavez nagpakitang gilas para rendahan ang Philippine Army sa pag-giba sa Philippine Coast Guard