Para athletes, lalarga sa PSC event

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Annie Abad

SA hangaring mapalawig at mapalakas ang programa sa Para Games, ilalarga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 2018 “Differently-Abled Sports 4 LIFE” Paragames sa Nobyembre 7-8 sa Xavier University–Ateneo de Cagayan, Cagayan de Oro City.

Kabuuang 200 differently-abled na mga estudyante buhat sa buong siyudad at karatig na lalawigan ang natakdang lumahok sa nasabing kompetisyon sa pakikipagtulungan ng Department of Education Division of Cagayan de Oro.

Anim na events ang nakatakdang paglabanan para sa nasabing kompetisyon gaya nga Athletics, swimming, badminton, table tennis, bocce at goalball.

Samantala, nangako naman si PSC commissioner Arnold Agustin na mas marami pang mga sports events na paglalabanan sa sususnod na taon para sa nasabing proyektong ito ng ahensiya.

“Starting next year, the games will adopt more sporting events from the Paralympics and will provide seminars for coaches and technical officials with the help of various national sports associations. Nakita naman ninyo ang kampanya n gating mga atleta sa Asian Para Games,” pahayag ni Agustin, patungkol sa kasalukuyang Asian Para Games sa Jakarta.