Creamline, angat sa Adamson-Akari

Filed under Sports, Volleyball Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

HINDI nagpaawat si four-time league Most Valuable Player Alyssa Valdez sa tila ginawang clinic ng Creamline ang laro laban sa Adamson-Akari, n 25-16, 25-9, 25-20, sa PVL Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagtala si Valdez ng 22 puntos mula sa 15-for-28 attacks,4 na aces at 3 blocks bukod pa sa 10 digs.

Wala ang kakamping starting opposite hitter na si Michele Gumabao na di makakalaro ng tatlong linggo dahil lalaban ito bilang kinatawan ng bansa sa Miss Globe pageant, batid ni Valdez na kailangang mag-step-up ang bawat isa sa kanilang team.

“Not just me siguro, but everyone has to step up talaga without Michele,” ani Valdez. “Everyone’s willing naman to do that. Michele is such a great leader and efficient player na we each have to do our part to fill what we’re going to miss without her.”

Nanguna naman para sa Lady Falcons, nanatiling winless matapos ang apat na laban si rookie Krich Macaslanag na umiskor ng pitong puntos.

Nauna rito, nanatiling imakulada ang marka ng BanKo-Perlas nang pataubin ang Tacloban 25-21, 23-25, 29-27, 25-18, para sa panglimang sunod nilang panalo.