Armymen, rumesbak sa Coast guard

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marlon Bernardino

TINALO nina Grandmaster candidate Ronald Dableo, International Master Joel Pimentel at Antonio Chavez Jr. ang kani-kanilang katungali para pangunahan ang Philippine Army sa paggiba sa Philippine Coast Guard, 12-0, matapos ang Round 4 ng AFP-PNP-PCG Olympics 2018 Chess Team Championships nitong Miyerkoles, Oktubre 10, 2018 na ginanap sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.

Si Dableo na ang rango ay Private, namayani kontra kay SN1 Reymond Alumbro, pinadapa naman ni Pimentel, na ang rango ay Private lpntra si SN2 Rodel Dela Cruz at namayani si Chavez na ang rango ay Private First Class kontra kay SN2 Mark Jeffrey Eco.

Si Dableo na head coach ng University of Sto. Tomas chess team ay kinakailangan mapataas ang kanilang 2407 patungo sa 2500 Elo rating para makumpleto ang kanyang GM title status.

Hindi naman pinagpawisan sina Private Kevin Arquero at Private Kevin Mirano na naitarak ang kani-kanilan panalo via default kontra kina SN1 Bernie Montaner at SN1 Nikko Roger Echavez, ayon sa pagkakasunod.

“We hope to continue our winning ways,” sabi ni Philippine Army coach Corporal Ildefonso “Ponching” Datu na lubos na nagpapasalamat kina Team Manager Brigadier General Rodel Mauro Alarcon at Special Service Center Director Lieutenant Colonel Raymond Lachica sa kanilang walang humpay na pagsuporta sa Philippine Army chess team.

Nanguna din sina Team Captain Lieutenant Colonel Perpetuo Tan Jr., Major Edgar Gonzales , National Master at Captain Lawyer Bob Jones Liwagon sa grupo ng mga opisyales na kinabibilang din nina Lieutenant Colonel Martin Famador, Lieutenant Colonel Danilo Parba at First lieutenant Irene Rivera.

Sina Tan Jr., Gonzales at Liwagon, ang triumvirate na sinelyuhan ang Philippine Army sa 8.5-3.5 victory kontra sa Philippine Airforce sa Round 2.

Habang sina Liwagon at Lieutenant Colonel Lebrito Olmuguez kasama sina Grandmaster at Corporal Darwin Laylo at Arquero ang nagrenda sa Philippine Army sa pag-ungos sa Philippine National Police, 7.5-4.5, sa Round 3.

Ang tournament director ay si Maj.Libertino, ang Chief Arbiter ay si IA Patrick Lee kasama si NA Roy Madayag sa Standard 90 minutes plus 30 seconds increment time control, na ipinatupad ang match point system, double Round-robin format sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament.