Tigil-buwis sa langis, OK

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Naniniwala si Senador Bam Aquino na magkakaisa ang bansa sa balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang excise tax sa oil products ngayong Enero 2019 para mapigilan ang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin.

“Lubos tayong nasisiyahan na bukas siya at pinag-iisipan na ni Pangulong Duterte ang pagsuspinde sa pagtaas ng buwis sa petrolyo ngayong Enero. Matagal na tayo nananawagan na kailangan nang magtulungan upang bigyan ng ginhawa ang mga kababayan nating nalulunod na sa pagtaas ng presyo ng bilihin,” sinabi ni Aquino.

-Leonel M. Abasola