Rayver, wala pang aaminin kay Janine

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGKATAWANAN sa open forum ng media conference para sa new afternoon prime drama series ng GMA 7 na Asawa Ko Karibal Ko, na magkasama sa cast sina Rayver Cruz at si Ms. Lotlot de Leon.

Rayver copy

Alam naman nating nali-link si Rayver sa panganay ni Lotlot na si Janine Gutierrez, at nang hingan ng comment si Rayver tungkol sa pagsasama nila ni Lotlot sa teleserye ay tinawag niyang “Ate Lotlot” ang mommy ni Janine. Hindi raw ba pwedeng “Tita Lotlot” ang itawag niya?

“Iyon na po ang nakasanayan kong tawag sa kanya simula nang magkakilala kami,” sagot ni Rayver. “Sige po, Ms. Lotlot na lang po ang itatawag ko sa kanya.”

Sa serye, gaganap si Rayver bilang si Gavin, na mami-meet ni Rachel (Kris Bernal). Mai-in love si Rachel sa kanya, pero may karelasyon na si Gavin, si Catriona/Venus played by Thea Tolentino. Hanggang sa ma-discover ni Rachel na si Catriona ay isa palang transgender, at ito ang husband niyang si Nathan (Jason Abalos).

Subaybayan natin ang kanilang naiibang story na ito simula sa October 22, Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

After the media conference, saka nagpa-interview si Rayver tungkol sa kanila ni Janine. Wala siyang inamin, maliban sa masaya sila at strictly privately dating lang daw sila ngayon.

“Wala pa po naman talaga kaming aaminin ni Janine. Kapag meron na, aamin po naman kami. Ang mahalaga po ngayon, magkasundo kami, masaya at nakakapunta kami kung saan namin gustong pumunta. Yes, of age na kami ni Janine, pero focus po muna kami sa career namin.

“Kalilipat ko lamang sa GMA at masaya ako dahil may maganda agad na project silang ibinigay sa akin. Si Janine rin ay busy sa kanyang Victor Magtanggol series gabi-gabi, at may ginagawa pa siyang movie sa Regal Films with my friend Enchong Dee.

“Noong isang araw, nag-taping kami ni Janine ng Day-Off, guest nila ako ni Ken Chan. At lahat po iyan, ine-enjoy ko at masaya ako sa mga ganap sa buhay ko ngayon,” mahabang kuwento ni Rayver.

Sa direksiyon ni Mark Sicat de la Cruz ang Asawa Ko Karibal Ko, na tinatampukan din nina Devon Seron, Annalyn Barro, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Maricris Garcia, Matthias Rhoads, Phil Noble, at special participation nga si Jason.

-Nora V. Calderon