Presyo ng GG bumaba, bangus nagmahal

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Bumaba na ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan sa bansa.

Mula sa P200 kada kilo, nasa P140 kada kilo na lang ito ngayon.

Hinala ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Eduardo Gongona, minamanipula ang presyo ng galunggong dahil alam ng traders na paparating na ang mga nasabing isda na inangkat sa ibang bansa.

Sa kabila nito, tumaas naman ng P20 ang kada kilo ng bangus, dahil umano sa kakulangan ng supply nito.

Giit ni Gongona, maaaring nagkaroon ng dagdag-presyo dahil sa pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo, na pangunahing ginagamit sa paglilipat ng mga isda mula sa farm hanggang sa merkado.

-Beth Camia