Pamilya nina Jodi at Iwa, hinahangaan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAKUHA ng libu-libong magagandang comments ang Instagram post ni Jodi Sta. Maria ng picture nila ng anak na si Thirdy, 13 years old, kasama ang family naman ng dati niyang asawang si Pampi Lacson kasama ang asawa nito ngayong si Iwa Moto at ang anak ng mga ito na si Mimi.

Jodi Iwa Pampy copy

“Every family has a story. Ours isn’t a perfect one but through God’s grace, what was once broken is made whole again. Some may find it weird or awkward, but for us, we are simply a FAMILY who respects each other and works as a team towards one goal: to LOVE and SUPPORT our children,” post ni Jodi.

Matagal nang open ang relasyon nina Iwa at Pampi at five years old na ang anak nilang si Mimi. Hindi ito ang first time na magkakasama sila, maraming beses na here and abroad, na sama-sama silang nagbabakasyon.

Maraming pumupuri sa kanilang samahan, dahil kung busy si Jodi, at may lakad sila dapat ay hinahayaan ng aktres na sumama si Thirdy kina Iwa.

Kaya naiku-compare sila sa magandang samahan din ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa first wife ni Ogie na si Michelle van Eimeren, now Mrs. Mark Murrow. May dalawang anak na babae sina Ogie at Michelle, sina Leila at Sarah, at madalas kung may occasion dito sina Ogie at Regine ay pumupunta rito ang family ni Michelle. Ganun din naman kung may occasion sa Queensland, Australia ang pamilya ni Michelle, pumupunta rin doon sina Ogie at Regine kasama ang anak nilang si Nate.

Sa ngayon, na kay Ogie ang anak na si Leila dahil pinasok na rin ng huli ang showbiz.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin annulled ang wedding nina Jodi at Pampi, kaya hindi pa rin puwedeng magpakasal ang huli kay Iwa. Si Jodi naman ay kahihiwalay lang kay Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, na nakarelasyon niya ng walong taon.

-NORA V. CALDERON